Jump to content

ray1017

Noob
  • Posts

    16
  • Joined

  • Last visited

Reputation Activity

  1. Money
    ray1017 reacted to truemeng in Mga Regulasyon at Alituntunin sa Chat   
    MGA PAALALA SA CHAT:
    1.     Iwasan ang spam, Iwasan ang Caps at panatilihing makabuluhan at may katuturan ang mga usapan sa loob ng chatroom.
    Ang paulit ulit na paggamit ng mga salita, parirala, emojis at simbolo na walang kabuluhan ay itinuturing na spam. Iwasan ang mga tanong o palaro na magreresulta sa spam ng ibang mga manlalaro. Iwasan din ang spam tips na maaaring makatawag pansin sa ibang manlalaro at magresulta sa mga passive begging - upang maiwasan ito, maaaring gawing pribado ang mga tips. Kaugnay dito iwasan rin ang spam tagging sa ibang manlalaro lalo na sa mga high rollers dahil maari itong maituring na passive begging. 2.     Huwag mangharas o manginsulto ng ibang manlalaro at stake staff.
    Hindi maiiwasan ang biruan at tuksuhan sa chat. Ngunit kailangan panatilihin ang respeto sa kapwa manlalaro. ang pagmumura at biro ay i-ayon sa taong kausap upang maiwasan ang pikunan at away. 3.     Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbahagi at paglantad ng iyong Personal na impormasyon at ng ibang manlalaro. Ang paglabag sa alinman sa mga sumusunod ay may parusang Permanent Mute.
    Respetuhin ang Privacy ng kapwa manlalaro. Ang pag lalahad ng personal na impormasyon ng iba na walang pahintulot - Pangalan, address, Social media at kahit na anong detalye na patungkol sa pribadong buhay ng manlalaro ay mariing ipinagbabawal. Ang paglalahad din ng sariling impormasyon kung saan maari kayong macontact o makausap sa labas ng stake ng kapwa manlalaro ay hindi pinahihintulutan. (telegram, whatsapp, Discord, atbp.). Iwasang magtanong, magbigay at magimbita sa mga group chats at Private messaging apps sa loob ng stake chat. 4.     Mahigpit na ipinagbabawal din ang paghingi ng tips, rains, at loans. Ang pagaalok ng pagpapadoble o pag -"ride" sa coins at taya ng ibang manlalaro ay maaring magresulta sa Ban.
    Iwasan ang Passive begging o panghihingi ng tips. ang mga pahaging na paghingi at pagpaparinig ay ipinagbabawal Iwasang batiin, magpasalamat, murahin o kausapin si Rainbot. magpasalamat sa user na namahagi, ngunit hindi sa rainbot. Iwasan din ang mga salitang nagpapahaging ng paghingi ng tips at rains tulad ng "sayang" "lagpas" "di nakasali" "di nakaabot" “sana all” at kung ano ano pang katulad nito. Ang utang, bentahan at trading ay hindi sinusuportahan ng stake. Ang pagpost ng Wallet Address, aksidente man o hindi ay tinuturing na passive begging at mauuwi sa pagka mute ng inyong account. Iwasan rin ang pagchat sa iba't ibang rooms ng sabay sabay. maari itong makita bilang Rain Farming at magresulta sa mute.  5.     Iwasan ang mga kahina-hinalang gawain na maaaring makita bilang potensyal na scam.
    Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbabahagi ng codes, scripts o ano mang uri ng bot services Iwasan gumamit ng mga URL shortening services. Laging i-chat ang tunay na link. Kung magbabahagi ng link, laging i-post ang buong link o url nito sa chat Mahigpit na ipinagbabawal sa mga manlalaro ang pag iimbita sa mga third party messengers (Facebook, Telegram, Discord, WhatsApp, atbp) 6.     Mahigpit na ipinagbabawal ang magpahiram, pamimigay at pagbebenta ng account sa ibang manlalaro. Maari ma-ban sa buong site ang mahuhuling gumagawa nito.
    Ang hiraman ng accounts sa magkapamilya o magkaibigan ay hindi pinhihintulutan. Ang mga mahuhuli ay mabibigyan ng permanent mute at maaaring matanggalan ng benepisyo ng isang VIP. Ang pag endorso at pag banggit ng ibang casino ay mahigpit na ipinagbabawal. 7.     Iwasan ang mga talakayan tungkol sa mga streamers
    Ang pag eendorso at pag-promote ng mga streams at channels ay mahigpit na ipinagbabawal. kasama na dito ang pagbabahagi ng mga promotions at giveaways ng mga streamers sa chat - bonus codes, rollhunts, etc. sa kahit na anong paraan.  Iwasan din ang magshare ng mga referal links at pagiimbita sa channels sa ibang social Media platforms. maari itong magresulta sa perm mute o Ban. 8.     Iwasang pagusapan sa chat ang mga sensitibong topic.
    Ang mga usapan tungkol sa Relihiyon at Politika ay mariing pinagbabawal. Ang mga usapan o biro patungkol sa suicide, rape at iba pang katulad nito ay mariin ding ipinagbabawal. Iwasan din ang mga topic na maaring maka insulto sa lahi o sekswal na oryentasyon ng ibang manlalaro.  
    "Filipino Chatroom" - Hangga't maaari ay Tagalog ang ating gamitin sa chat.
    * Kung ang manlalaro ay na-mute nang maraming beses sa parehong paglabag, ang kanilang oras sa pag-mute ay mapapahaba, at dahan-dahan itong magtatapos sa permanenteng pagtanggal ng pribilehiyo sa chat, lalo na kung ang kanilang pag-uugali at aksyon ay hindi nagbabago pagkatapos ng maraming babala / pag-mute.
    * Ang mga patakarang ito ay maaaring mabago batay sa mga pangangailangan ng mga manlalaro.
    * Para sa ilang mas seryosong paglabag sa mga alituntunin sa chat, maaaring makatanggap ang manlalaro ng mute kahit walang warning o babala.
    Para sa buong bersyon ng Chat Rules sa salitang Ingles maaring puntahan sa link na: https://forum.stake.com/topic/981-chat-rules/
    **Kung may mga katanungan o mungkahi, mangyaring i-PM alinman sa ating Filipino moderators: @truemeng @NeoTargetZero**
     
    MARAMING SALAMAT PO
×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use