ceastem Posted June 15, 2019 #1 Posted June 15, 2019 Lingid sa kaalaman ng iba, meron na laganap na sugal Dito sa pinas na madalas at matatanda ang kalahok. Noong una hindi ko inisip na sugal ito, more like laro haha Ngayon ko Lang naisip na sugal pala ito at makikita sa mga sulok ng malls. Naalala ko dati unang laro ko nito sa Christmas party nanalo ako 500 haha. Pero mula nun naubos na swerte ko. Di na ko nanalo ulit kaya di na ko sumasali twing may pabingo Dito samin. Ikaw ba may experience ka na ba sa bingo? Magiging giveaway kaya to sa stake nalang Araw? Haha
jinz Posted June 15, 2019 #2 Posted June 15, 2019 Ito ang unang sugal na natutunan ko dahil bored ang mga Tita ko. 😂 Tinuruan nila kami ng iba ko pang mga pinsan na magbingo para habang bakasyon noong elementary ay may kalaro sila. Yung limang pisong puhunan pang maghapon na laro na yun kasi 25 sentimos lang ang taya sa isang card o kaya upgrade sa piso bawat card kapag punuan na ang labanan kasi gabi na at uwian na.
br1 Posted June 15, 2019 #3 Posted June 15, 2019 dati pa sila nagpapalaro ng bingo pero iba yung mechanics hindi katulad nung regular na bingo. personally ok sakin yung laro na yun ayoko lang nun sa peryahan saka yung sa malls
chinitz Posted July 20, 2019 #4 Posted July 20, 2019 Nakapaglaro ako niyan noong nag aaral ako sa college, nagkaroon ng pabingo sa school namin noon at ang mga premyo cash at groceries. Tinuruan ako noon ng mga classmate ko at may mga pattern naman kaya madali ding matutunan. Nakakalito lang kasi ang dami nilang sinasabi bago sabihin yung numero tulad ng "dalawang madreng nakaluhod". Mapapatingin na lang ako sa mga katabi ko sabay tanong anong numero yun? Hahaha. Sa bandang huli hindi ako pinalad na manalo sa bingo noon sa school. Pero ang saya maglaro ng bingo, minsan pag may lamay dito sa lugar namin sumasali ako sa larong bingo. Noong nakaraang eleksyon may pa bingo si chambe chambe hahaha. Isang beses lang ako nanalo hindi na naulit.
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.