Bago natin simulan ang pustahan para sa darating na halalan, narito muna ang munti kong paalala...
May dalawang uri ng boto:
1. "Boto ng Diskarte" - para sa kandidatong nabili ang boto mo o iboboto mo nalang para hindi manalo ang ayaw mo.
2. "Boto ng Konsensya" - para sa pinunong kinilatis mo, pinag-aralang maigi, pinaniniwalaan at inaasahang may magagawa para sa bayan.
Nawa'y iboto natin nang tapat ang mga nararapat. Para sa pagbabago, bumoto ng wasto! Isang paalala mula kay #MowdEl
Senatorial Election Betting Thread 📊⚖️
Nalalapit na naman ang eleksyon para sa mga senador. Dahil mga sugarol kayo, sige, pati eleksyon, magpustahan kayo 🙄😂 Lahat ng impormasyon nasa ibaba na, magbabasa ka nalang. Pero kung may katanungan ka pa, jusmiyo, sige, i-PM mo nalang ako. Tanging mga prediksyon lamang ang dapat na itugon rito. Maraming salamat po.
PRIZE POOL
0.0003 BTC kapag higit sa lima (5) ang kasali
0.0005 BTC kapag higit sa walo (8) ang kasali
0.001 BTC kapag higit sa labinlima (15) ang kasali
0.0015 BTC kapag higit sa dalawampu (20) ang kasali
0.002 BTC kapag higit sa tatlumpu (30) ang kasali
MAAARI BA AKONG SUMALI?
Upang makasali o makapaglagay ng iyong pusta, kailangan na
mayroon kang higit sa sampung (10) bilang ng posts (post count);
mayroon kang profile picture;
isang account lang ang iyong gamit sa forum;
nakakonekta ang iyong Stake account sa iyong forum account; at
registered voter ka. Char 😆
PAANO TUMAYA?
Ilista ang iyong Top 12 candidates sa pamamagitan ng sumusunod na format (#. Last Name, First Name) :
1. Dalisay, Cardo
2. Pick, Bato Bato
3. Hills, Chocolate
4. Tea, Ice Lemon
...
12. Go, Nabong
Ayun lang, wala nang iba. Napakadali, kapag may nagkamali pa, ito magiging reaksyon ko 👉 🤦♂️
PAANO MANALO?
Ang katumbas na puntos ng bawat tamang prediksyon ay 1 Point.
Tama ang iyong prediksyon kapag ang rank ng senador mo ay ang rank niya sa final and official result ng 2019 Senatorial Election. Halimbawa: Ang hula mo ay mangunguna sa halalan si Nancy Momoland, at siya nga ang No. 1 sa resulta, may 1 Point ka!
Ang sinumang makakuha ng pinakamaraming puntos ay siyang mananalo.
Kapag walang "tie" sa makakakuha ng pinakamaraming puntos, mapupunta ang pitumpung porsyento (70%) ng paghahatiang premyo (prize pool) sa mananalo, at ang nalalabing tatlumpung porsyento (30%) naman ay paghahatian ng iba pang mga kasali.
Ngunit kapag mayroong "tie", paghahatian ng mga mananalo ang 90% ng prize pool, at ang nalalabing sampung porsyento (10%) naman ay paghahatian ng iba pang mga kasali.
O, TAPOS?
Chillax ka muna. Hintaying matapos ang eleksyon.
Kapag naideklara na ang mga panalo sa 2019 Senatorial Election, muli kong iuupdate ang thread na ito.
Mayroon kayong tatlong linggo upang tumugon sa aking tanong. Ang thread na ito ay magsasara sa ika-28 ng Abril, alas-dose ng tanghali.
Narito ang listahan ng mga tumatakbo sa pagka-Senador: Senatorial Candidates (link yan)
Ngayon, ang tanong ko, Sino ang Senador Mo?