Jump to content

Mga Munting Paalala


bloomy

Featured Comment

Posted

MGA PAALALA

SA CHAT:

1. Iwasan ang spam, mangharas or manginsulto ng ibang manlalaro. Iwasan ang Caps.

  • Ang pag gamit ng sunod sunod na Chatbot commands ay isang uri ng spam. Maaring i-PM si chatbot kung nais magtingin ng maraming commands.
  • Hindi maiiwasan ang biruan at tuksuhan sa chat. Ngunit kailangan panatilihin ang respeto sa kapwa manlalaro. ang pag mumura at biro ay i-ayon sa taong kausap upang maiwasan ang pikunan at away.
  • Panatilihing malinis ang chat. Ang mga biro na sexual at sensitibong usapan ay iwasan hangga't maari. (sex, relihiyon at politika)

2. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag share or pag lantad ng Personal na impormasyon ng ibang users. 

  • Respetuhin ang Privacy ng kapwa manlalaro. Ang pag lalahad ng personal na impormasyon ng iba na walang pahintulot ay may parusang Permanent mute. 

3. Mahigpit na ipinagbabawal din ang paghingi ng tips, rains, at loans. Ang pagaalok ng pagpapadoble o pag-"ride" sa coins at taya ng ibang manlalaro ay maaring magresulta sa Ban.

  • Iwasang batiin, magpasalamat o murahin si Rain-bot. magpasalamat sa user na namahagi, ngunit hindi sa rainbot. Iwasan din ang mga salitang "sayang" "lagpas" "di nakasali" "di nakaabot" at kung ano ano pa. 
  • Ang utang at trade ay hindi sinusuportahan ng stake. 
  • Isawan ang Passive begging o panghihingi ng tips. ang mga pahaging na paghingi at pagpaparinig ay ipinagbabawal.

4. Iwasan ang mga kahina-hinalang gawain na maaaring makita bilang potensyal na scam.

  • Iwasan gumamit ng mga URL shortening services. Laging i-chat ang tunay na link.
  • Iwasan din ang magshare ng mga referal links at wallet address sa chat. maari itong magresulta sa perm mute o Ban.

5. Isang account para sa isang manlalaro sa chat. 

  • Ipinagbabawal ang pag gamit ng bank o alt sa chat. Maaring gumawa ng iba pang account ngunit Isang account lamang ang maaring gamitin sa chat. 
  • Iwasan ang pag gamit ng ibang account sa chat kapag muted ang main account. Mute evasion ito at maaring humantong sa mas mahabang oras ng mute o Perm.

6. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpahiram, pamimigay at pagbebenta ng account sa ibang manlalaro. Maari ma-Ban sa buong site ang mahuhuling gumagawa nito.

7. "Filipino Chatroom" - Hangga't maaari ay Tagalog sana ang ating mga chat.

 

SA FORUM:

  • Isang account lamang ang maaring gamitin sa forum. Bawal ang pag gamit ng dalawa o mas marami pang account.
  • Iwasan ang mga walang kwentang topics para lamang makakuha ng Satoshis. Panatilihing makabuluhan at may saysay ang usapan dito. Ang pagmumura at pagaaway ay mahigpit na ipinagbabawal.
  • Nawa ay panatilihin po nating malinis, spam-free at friendly ang ating forum.
  • Iwasan din ang usapang loan at trading sa forum. Hindi sinusuportahan ng stake ang mga ito. 
  • Bawal magpost ng sites/links na hindi related sa Stake.com, bitcoin at sugal.

 

Kung may mga katanungan o mungkahi, mangyaring i-PM alinman sa ating Filipino moderators: @truemeng at @xtinepink

 

MARAMING SALAMAT PO :)

 

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...