ceastem Posted April 20, 2019 #1 Posted April 20, 2019 Lagi ako dito sa forum nagbabahagi ng kaalaman ko patungkol sa iba't ibang teknik na ginagawa ko upang manalo at isa na dun ang "secret giveaway technique". Pero sa tinagal tagal ko dito, ngayon lang ako nakareceive ng pm na nagsasabing "wala kang utak! bakit mo naman shinare yan, ngayon alam na ng lahat ng noobs dito ang teknik naming mga matatalinong manlalaro" Napa TANGINA talaga ako. Kelan pa naging masama ang pagshare ng kanya kanyang magandang ideya sa publiko? Grabe sa sobrang gahaman ng mga tao dito, nawawalan na ng propesyonalismo sa pakikipag usap o kaya ay pagsasalita. Sa tingin nyo ba, hindi na ko dapat magbahagi dito sa stake forum ng teknik sa ibat ibang giveaways? PS. yung secret giveaway technique nayun, may iba pang ginagawa dun para mas lalong maging epektibo at yun ang di ko shineshare dito para may advantage parin ako sa lahat hehe. Sino na walang utak ngayon?
nhoyasim101 Posted April 21, 2019 #2 Posted April 21, 2019 ganun? kaya cguro ayaw nila ibulgar mo yun kasi nga secret subra naman sila sinusolo lng ang strateheya eh kaya nga may sarili tayong lugar para sa mga pinoy para mag share ng kaalaman sa kapwa, try mong isangguni sa MOD natin kung kung tama ba ang ginawa nung nag pm sau, at kung mali ba ang ginawa mo, palagay ko walang mali sa pagshare ng kaalaman dito,,,
ceastem Posted April 25, 2019 Author #3 Posted April 25, 2019 Nakakainis malay ko bang secret nila yung kasimpleng ideya nayun haha. Wala naman ako talaga pake sa totoo lang kung gusto nila solohin, nainis lang ako na may nagPM pa sakin ng wala akong utak. DI ko nalang nireplyan ng di maganda, ayoko pumatol sa mga walang modong tao.
jinz Posted April 27, 2019 #4 Posted April 27, 2019 Grabe naman yun. 😂 Siguro may karapatan silang magalit kung sa kanila mo mismo natutunan yung teknik pero kung sa sarili mong pagsusubok o paghahanap ng madaliang paraan nadiskube yung teknik na binahagi mo sa iba eh ayos lang yun. On 4/20/2019 at 8:42 AM, ceastem said: Sa tingin nyo ba, hindi na ko dapat magbahagi dito sa stake forum ng teknik sa ibat ibang giveaways? Nasa sa iyo yan. Malaking tulong sa iba pero malaking sagabal sa mga katulad nung nagmessage sayo. Kung saan ka masaya. 👍
ceastem Posted April 27, 2019 Author #5 Posted April 27, 2019 12 minutes ago, jinz said: Grabe naman yun. 😂 Siguro may karapatan silang magalit kung sa kanila mo mismo natutunan yung teknik pero kung sa sarili mong pagsusubok o paghahanap ng madaliang paraan nadiskube yung teknik na binahagi mo sa iba eh ayos lang yun. Nasa sa iyo yan. Malaking tulong sa iba pero malaking sagabal sa mga katulad nung nagmessage sayo. Kung saan ka masaya. 👍 Ganun kasi sila makapag salita sakin kasi di naman ako kasing sikat ng iba dito. Madami nga dito nagsshare ng kanya kanyang teknik tapos puro pasasalamat lang sila. Tapos pag di sikat o killa galing, pilit hinahanapan ng mapupuna. Sana lang di na to maulit, kasi pag naulit talaga to di na ko magsshare ng kahit ano dito haha. mangspam nalang ako katulad ng mga komento ng mga sikat na tao dito.
xtinepink Posted May 7, 2019 #6 Posted May 7, 2019 Sino naman nagsabi nyan? Baka naman kakilala mo nagsabi, isa pa kung nashare na ng iba ang sinasabi mo na teknik di na dapat ishare yun kasi doble na ang topic. Tama ang sinabi ni Nhoy, kung pwede pagusapan nyo muna din nong tao na yun na nagpm sayo at pwede din ikunsulta sa amin o sa ibang mod o support kasi di naman natin masusulosyunan yan kung ipopost lang natin dito baka mas lalo lang lumaki ang gulo. Kung alam natin na di sila makaintindi, aba mas mabuti na tayo na ang umintindi sa kanila. May mga tao lang talagang masyadong mataas ang tingin sa sarili at makasarili na gusto nila sila ang laging panalo gayon pa man mas makabubuting wag na natin silang patulan.
kamukamu Posted May 11, 2019 #7 Posted May 11, 2019 sino nagsav papatumba q hahaha. kaya nga sharing kz d lahat ng bagay alam ng isang tao. may alam xia na dmo alam and vice versa. un nagsav nian sau un ang nid pa ng share ng info ng iba kz malamang andami pa space natira sa utak nia lol
lenra609 Posted May 11, 2019 #8 Posted May 11, 2019 6 hours ago, kamukamu said: sino nagsav papatumba q hahaha. kaya nga sharing kz d lahat ng bagay alam ng isang tao. may alam xia na dmo alam and vice versa. un nagsav nian sau un ang nid pa ng share ng info ng iba kz malamang andami pa space natira sa utak nia lol hanga ako sa pananaw mo tama ka dyan, lahat ng bagay, pangyayari o kaalaman ay may limitasyon walang isangdaang porsiyento.
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.