Jump to content

Ang Kaibahan ng mga Kabataan noon sa mga Kabataan ngayon


jhiaganda

Featured Comment

Posted

Malaking bagay ang nagagawa ng impluwensiya mayroon sa bawat henerasyon sa pagkahubog ng mga kaugaliang pinahahalagahan ng mga tao, lalo at higit ng mga kabataan. Anumang salik mayroon sa henerasyon na iyon ay masasalamin sa mga gawi, pananalita at kahit sa takbo ng pananaw ng mga taong makagigisnan ito. Sa makatuwid, ang bawat henerasyon ay may pagkakaiba; may kanya kanyang kahinaan at kalakasan, may mga tunay na ginto at ang iba ay pilak.
Ang mga kabataan noon kung ihahambing sa ngayon ay masasabing nabuhay sa mas simpleng mundo; malaya mula sa impluwensiya ng kasalukuyang teknolohiya. Sila ay namulat sa mas payak na pinagkalilibangan. Ang paglalaro o paglilibang ay pinagbubuhusan ng pisikal na pagganap at ang epekto nito ay mas dalisay na kaligayahan na nagpapalalim ng personal na relasyon sa kapwa. Higit sa lahat ang kanilang pananaw ukol sa pagsusumikap ay naka angkla sa ibayong pagbabanat ng buto, pagtitiis ng hirap, tagaktak ng pawis at seryosong dedikasyon patungo sa kanilang ninanais na tagumpay.
Samantala, ang mga kabataan ngayon ay may sariling paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga bagay na may kabuluhan. Ibayong pagsisikap pa rin ang puhunan ng matamis na tagumpay. Ngunit sa kumplikadong mundo na nakabalatkayo sa teknolohiyang ang alok ay mas magaang pamumuhay, ang balik ay madaling pakikipag-ugnayan ngunit madalas ay paimbabaw lamang. Sa ganitong aspeto matatagpuan ang hamon sa mga kabataang nasa henerasyong ito. Paano nga ba mapapalalim ang pagpapahalaga sa mga makabuluhang bahagi ng pamumuhay at pakikipagkapwa-tao? Paano nga ba manunumbalik ang sigla ng pagpapahalaga sa dignidad ng pagkatao, dangal ng prinsipyo, pananampalataya at respeto sa kapwa?
Ang bawat henerasyon ay tunay ngang may sari-sariling pinagkakaiba. Ang kaibahang ito ay maghatid nawa sa bawat isa ng mas kaaya-ayang paglago at makatulong sa kaganapan ng pagiging isang tunay na tao na sa bawat sandali ng buhay ay nagpapakatao.

#millenialtime

  • 1 month later...
Posted

Tama. 

Ang di ko lang masikmura ay pag sinabi ng mga matatanda na "nung ganyan edad ko puro pag aaral lang kami"

Pero di namna totoo yun. Haha

Sikat nga dati yung 14 yrs old palang kinakasal na lalo na sa mga tradisyunal na pilipino eh. Ngayon lumabas lang nakashort kinukutya pa nila. Haha

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use