Jump to content

Wasak ang mga video karera

ceastem

Featured Comment

Posted

Ngayong umaga lang ay pinangunahan ni Isko Moreno ang Pagsibak sa mga Video Karera dito sa Maynila.

Sinabi nila na sinisira daw nito ang pag iisip ng kabataan dahil natututo daw magsugal. Waduhek.

Edi sana pinagbawal na tong its sa bawat lamay, sana bawal na bingo sa mall, sana bawal na mga bilyaran na usually may pustahan, at marami pang iba. 

Napakadaming sugal na pwedeng gawin dito sa Manila bukod sa video karera at hindi naman ito nagdudulot ng damage sa kabataan. Mas malaki pa nga epekto ng sigarilyo sa pisikal kesa sa nagiging epekto ng sugal nato sa buhay eh, bakit di nila ipagbawal manigarilyo mga estudyante?

Naalarma lang ako kasi pano kung madiskubre na may online casino pala na pwede salihan ng mga kabataan tapos maban to sa mga sikat na internet providers tulad ng pag baban ng pornhub sa PLDT? Nako pag di na ko dito nagpost, alam nyo na, pinagbawal na ni isko sa maynila. Haha 

Posted

Isa sa mga bawal na sugal ang video karera dito sa Pinas hindi ko alam kung bakit. Nung nagtatrabaho pa ako sa munisipyo dito sa lugar namin may video karera machine din na pinasira yung mayor namin nung nagpaflag ceremony kami eh.

Posted
3 minutes ago, jinz said:

Isa sa mga bawal na sugal ang video karera dito sa Pinas hindi ko alam kung bakit. Nung nagtatrabaho pa ako sa munisipyo dito sa lugar namin may video karera machine din na pinasira yung mayor namin nung nagpaflag ceremony kami eh.

Ganun? di pa ata ako aware sa paligid ko nung pinagbawal to. HAHA

Alam mo pa ba ang ibang bawal na sugal sa pilipinas? o bawal lang para sa kabataan?

Posted
Just now, ceastem said:

Ganun? di pa ata ako aware sa paligid ko nung pinagbawal to. HAHA

Alam mo pa ba ang ibang bawal na sugal sa pilipinas? o bawal lang para sa kabataan?

Jueteng saka video karera lang ang alam ko na bawal, not 100% sure pero pang lahatan yun hindi sa lang minors bawal.

Minsan kaya hindi kinukumpiska yung video karera machines sa ibang lugar may mga protektor yun gaya na lang nung mga napapanuod natin sa mga teleserye o pelikula na mga politiko.

Posted
1 hour ago, jinz said:

ganun? haha

nagresearch ako konti, bawal din mga racing, o kung anuman. Haha

Dapat pala di ko na tinanong, bagong post sana ulit yun :3 hahahaha

Nagsign up na nga pala ako sa sinend mo, di lang ako nagreply, sayang post count. HAHA

inadd kita sa stake :D

Posted

Gaya nga ng sinasabi ang lahat ng sobra ay masama, pwede namang magsugal basta nasa moderasyon at tamang pagkokontrol

kaso nga ang mga bidyo karera ay nilalagay sa mga mahihirap na lugar or depressed area, imbes na ang mga tao ay magsumikap 

lalo lang nakakagawa ng masama dahil sa pagkahumaling sa sugal, hindi ako maka isko or erap pero isa siguro sa magandang hakbang 

ng bagong mayor ng maynila ang naging pangyayaring iyon :)

Posted
3 hours ago, komiks said:

sa tingin ko d n nila kailngan sirain ang mga karera sa pinas

3 hours ago, komiks said:

so nonsense ang pag sira sa mga karera kung pde nmn mag kara cruz ang mga bata, digit!, at iba pangsugal n d kailangan ng machin na ng karera

Sinira yung machines kasi ilegal na sugal yun. Pwede kang makulong kapag nahuli ka, hindi katulad ng ibang sugal na gaya ng tong its o kara krus na pwedeng pwede mong laruin kahit sa kanto pa. Ito yung lalabagin mong batas kapag nahuli ka:

"PRESIDENTIAL DECREE No. 1602

PRESCRIBING STIFFER PENALTIES ON ILLEGAL GAMBLING"

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use