Jump to content

Anong Mga Apps ang Gamit mo?


Featured Comment

Posted

Noong bago pa lang ako sa mundo ng cryptocurrencies bantay sarado ko ang market price. Pero hindi ako laging nasa harap ng computer para tignan ang mga trading platforms o exchanges gaya ng Bittrex at Binance kaya ang laking tulong ng mga apps gaya ng Blockfolio, Delta, TabTrader at marami pang iba.

Gamit ko ang Blockfolio sa pagmomonitor ng mga coins o tokens na nakuha ko sa airdrops, lahat ng nakalista sa coinmarketcap supported sa Blockfolio kaya nalalaman ko kung may halaga na ba ang mga nakuha kong libreng coins.

photo6129791460044810384.thumb.jpg.b45bfd6067bfe04008325d588a71675f.jpg

Yung Delta naman ay para sa pagmomonitor ko ng mga alt coins na kung saan nag-invest ako. Makikita niyong duguan ang aking portfolio hue hue hue pero #kapit lang, magiging green din lahat yan. 😂

photo6127370189411559588.thumb.jpg.423a891c69aa494643356a1cd84cb3f2.jpg

Tapos ang TabTrader, nasa pangalan na niya kung para saan siya ginagamit. Dito ko inoopen madalas yung accounts ko sa Bittrex at Binance kasi nakaconnect naman ang mga API nila sa app. Kung magtetrade man ako, hindi ko na kailangan maglog-in pa sa computer, bubuksan ko na lang yung app.

photo6127370189411559589.thumb.jpg.3bfae9a739d60d427f8e2ea5da3f32d9.jpg

Sa totoo lang halos magkapareho lang ang Delta at Blockfolio, maarte lang talaga ako kaya hindi ko pinagsasama yung holdings ko sa iisang portfolio o app hahahaha. Pwede ring iconnect sa exchanges yung dalawa gaya ng sa TabTrader pero hindi ko pa sinusubukan kasi masaya naman akong gamitin ang TabTrader sa tradings.

Kayo ba gumagamit rin ng mga app na ganito?

Posted

Nice!

Ako kasi ala talaga ako masyado alam sa ganyan at ano talaga ang apps na dapat gamitin.. Kaya coins pro lang talaga ako nagttrade ngayon. Pinahiram ako ni kuya ko ng pangtrade dati kaso di ko na matandaan pangalan ng app.. HAHA

Ang gusto ko lang naman sa apps na ganyan ay pag may alerts o kaya may limit sell at limit buy para dumali buhay ko. Dumating na kasi ako sa punto dati na pinapanood ko talaga bawat galaw ng graph.. HAHA

Posted
16 hours ago, ceastem said:

Ang gusto ko lang naman sa apps na ganyan ay pag may alerts

Yang tatlong apps na yan may alerts feature kapag may mga pagbabago sa presyo ng coins na pwede mong iset halimbawa, gusto mong manotify ka kapag bumagsak sa $9000 o tumaas sa $15000 ang presyo ng bitcoin.

16 hours ago, ceastem said:

may limit sell at limit buy para dumali buhay ko

Sa TabTrader ko pa lang to nasususbukan, hindi ko pa kasi sinubukan ilink ang API ng exchanges sa Delta at Blockfolio.

 

Dagdag kaalaman lang. 😁

Yung Blockfolio at Delta ay may feature na kung saan may news feeds ng mga coin na binabantayan mo. Mas gusto ko yung Delta kesa Blockfolio kasi mas maraming news sa cryptos ang pumapasok sa Delta, o baka dahil airdrops lang kasi ang laman ng Blockfolio ko kaya ganon? hahahaha.

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use