Jump to content

"masama ang magsugal"


ceastem

Featured Comment

Posted

Bakit kaya ang sama ng tingin ng tao dito sa pilipinas sa sugal?

Oo naiintindihan ko naman na marami ng nasirang buhay nito, pero kung tutuusin, madami din naman yumayaman at nababago ang buhay dahil dito, hindi lang sila ganun makapagsalita para wala manghingi. Haha

Mas gusto ko pa nga masira dito ang buhay ko kung sakali kasi at least pera lang mawawala sa akin, eh sa pagmamaneho kapag naaksidente wala na paktay na.

Ang punto ko lang ay hindi naman ganun kasama ang pagsusugal, pati nga si jose rizal tumataya din sa lotto dati eh.

Bakit kaya ang daming pilipino na ang sama sama ng tingin sa sugal at nagsusugal? Sainyo ba madami din masama ang tingin sa sugal o pastime lang ang tingin dito? haha

Posted

Sa tingin ko kaya nabahiran ng masamang imahe ang pagsusugal ay dahil maraming tao ang nalululong o naaadik sa sugal hanggang sa umabot na sa punto na mangungutang, magnanakaw, minsan nakakapatay pa para lang magkapera para pansugal. Maraming Pinoy ang hindi maganda ang tingin o tanggap ang pagsusugal na normal na activity pampalipas oras dahil sa masamang image na kadikit nito.

Posted
7 hours ago, jinz said:

Sa tingin ko kaya nabahiran ng masamang imahe ang pagsusugal ay dahil maraming tao ang nalululong o naaadik sa sugal hanggang sa umabot na sa punto na mangungutang, magnanakaw, minsan nakakapatay pa para lang magkapera para pansugal. Maraming Pinoy ang hindi maganda ang tingin o tanggap ang pagsusugal na normal na activity pampalipas oras dahil sa masamang image na kadikit nito.

Yun nga :(

Kaya ako nahihiya ako sa magulang ko na malaman nila na active ako sa pasugalan..

Naiisip ko baka jinujudge nila ako o kaya naman ay baka nagbabago tingin nila sa akin.

Sana nalang talaga hindi naging masama imahe nito dito sa pinas, adi sana ang dami ko na referrals kasi proud ako. HAHA

  • 2 weeks later...
Posted

Dito sa lugar namin madami ang nagsusugal, may tong its, pusoy, billiard na may perang taya, may dice tapos pera din ang taya at sabong. Siguro mga kalahati ng populasyon dito sa lugar namin nagsusugal. Ang dahilan ng mga sugalero pampalipas oras lang nila ang paglalaro, katuwaan at yung iba naman naglalaro para may pang dagdag na pambili ng pagkain nila. Sa mga sugalero naiisip nila na malaki ang naitutulong ng pagsusugal para sa kanila at hindi na nila binibigyang pansin ang mga sinasabi ng iba tungkol sa kanila.

Yung ibang taong feeling malinis lang naman ang madaming satsat sa buhay at meron pa din namang tao na walang pakialam sa mga nagsusugal. 

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use