Jump to content

Teks Money


jinz

Featured Comment

Posted

Siguro naman pamilyar kayo sa TEKS ano? Hindi niyo isang daang porsyentong naenjoy ang childhood niyo kung hindi kayo naglaro nito noon. 😂

image.thumb.png.4f39f7ff8d4f9ee62b01e5450e85204c.png

Isa ang teks sa mga laro na pinakagusto ko noong bata ako. Madalas kong kalaro noon yung mga kasing edad kong kapitbahay naming lalaki kaya madalas akong mapagkamalang tiboom noon eh dahil mga lalaki lagi ang kalaro ko hahahaha mga bwiset.

Pero hindi lang mga bata ang naglalaro nito sa lugar namin noon, may mga matatanda din (college na o kaya yung mga tambay na pabigat sa pamilya 😂) at ang tayaan nila ay may involve na pera. Isa ang teks money sa mga unang sugal na nalaman at natutunan ko kasi pareho lang naman ng normal na paglalaro ng teks ang mechanics, yun nga lang ang mga tayaan nga ay pera.

Kahit marunong akong magteks money ay hindi ko sinubukang maglaro nito kasi unang una, elementary pa lang ako noon at wala akong pera, baon ko lang noon ay sampung piso hanggang dalawampung piso lang kung maraming pera si Mama. Pangalawa, takot na takot ako na baka kapag nalaman ng mga magulang ko na naglalaro ako ng teks money ay pagalitan nila ako at igrounded. Laboy is lyf kaya kapag bata ka hahahaha.

Ikaw ba nakapaglaro ka ng teks noon? Eh teks money?

Posted

Samin mga bata lang talaga naglalaro neto at isa na ko doon noon. HAHA

Laki kinikita ko dito dati kasi eksperto ako dito xD hahhaa

Meron pa nga non ang tayaan namin dangkalan talaga kaya lugi ka kung maliit kamay mo eh. Di naman kasi namin alam pa noon na may mas mahaba at mas maliit na kamay. HAHA

Minsan naman pag bilangan nagkakadayaan din. Lalo na kasi kung makapal at matagal na binilang di mo na talaga masusundan kung tama ba talaga ang bilang. Haha

good ol' days

Posted

Nilalaro namin yan noon nang kuya ko, sya taga tira ako naman yung taga kuha ng mga taya nila. Yung teks money kuya ko lang naglalaro nun, ayoko kasi sa sugal noon natatakot ako kaya teks lang walang perang tayaan. Kapag madami na kong naipon na teks (umaabot minsan ng dalawang plastic bag) binibenta ko sa ibang naglalaro na natatalo na o kaya wala ng pangtaya hahaha. Negosyante lang ang peg ko noon hahaha. Nakakamiss din yung mga panahon na yun. 

Posted
9 minutes ago, chinitz said:

Nilalaro namin yan noon nang kuya ko, sya taga tira ako naman yung taga kuha ng mga taya nila. Yung teks money kuya ko lang naglalaro nun, ayoko kasi sa sugal noon natatakot ako kaya teks lang walang perang tayaan. Kapag madami na kong naipon na teks (umaabot minsan ng dalawang plastic bag) binibenta ko sa ibang naglalaro na natatalo na o kaya wala ng pangtaya hahaha. Negosyante lang ang peg ko noon hahaha. Nakakamiss din yung mga panahon na yun. 

Yung piso - dalawampu ang bentahan hahahaha. Nakakamiss nga ang maging bata, puro laro lang ang pinagkakabusyhan.

Ngayon ko lang napagtanto na yung mga larong kalye ng mga bata dati ay pwede ring gawing sugal ng mga matatanda. :D

Posted

Tama ka jan jinz yung tipong laro ka lang maghapon tapos kapag may gusto ka iiyakan mo lang si mama at papa tapos boom ibibigay na agad sayo ang gusto mo. Kapag mga gantong edad na mulat na mulat na sa problema at sa responsibilidad, hindi mo na madadaan lahat sa iyak. 😅😅

Bata pa lang marunong na magsugal hahaha wala nga lang pera na taya. 

 

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use