jinz Posted July 13, 2019 #1 Posted July 13, 2019 Tayong mga Pilipino ay madalas maniwala sa mga pamahiin ng mga matatanda. Siguro dahil mga bata pa lang tayo ay ang dami na nating naririnig na "masama yung *ganito*, wag mong gawin yan mamalasin ka", "gawin mo yung *ganito*, swerte daw yan para may dumating na pera" at kung ano ano pa na tumatak na sa isip natin hanggang sa tayo ay tumanda na. Ikaw ba may pamahiin o ritwal na sinusunod ka bago ka magsugal o sa sugal kung pangkalahatang usapan? Ako, yung paghahagis ng asin sa likod tuwing natatalo ako ng malaki ang ginagawa ko. Nabasa o narinig ko yata yun, hindi ko na maalala hahahaha. Kapag ginawa mo daw yung paghahagis ng asin sa likod mo ay titigil daw yung malas na nakasunod sayo. Di ko masabi kung epektibo ba pero hindi naman masamang maniwala at gawin. Isang dakot na asin lang naman ang puhunan tuwing naghahagis ako at hindi ko rin naman madalas gawin yun tuwing natatalo lang talaga ng malaki. 😂
ceastem Posted July 13, 2019 #2 Posted July 13, 2019 Ewan ko kung ritwal to pero nagdadasal talaga ako yung tipong sobrang sincere paiyak na ko mapagbigyan lang. Haha Awa naman ng dyos pinagbigyan nga. Sarap sa pakiramdam pag nananalo. 42 minutes ago, jinz said: Ako, yung paghahagis ng asin sa likod tuwing natatalo ako ng malaki ang ginagawa ko. Di ko ginagawa yan ako rin maglilinis nun eh. HAHA
jinz Posted July 13, 2019 Author #3 Posted July 13, 2019 11 minutes ago, ceastem said: Ewan ko kung ritwal to pero nagdadasal talaga ako yung tipong sobrang sincere paiyak na ko mapagbigyan lang. Haha Awa naman ng dyos pinagbigyan nga. Sarap sa pakiramdam pag nananalo. Di ko ginagawa yan ako rin maglilinis nun eh. HAHA Hahahaha napadasal na rin ako ng ganyan kaso wala eh, hindi ako napagbigyan ni Papa G. Sa labas ako ng bahay namin naghahagis ng asin sa likod ko para hindi na kailangang maglinis nung mga butil ng asin na kakalat. 😂
ceastem Posted July 14, 2019 #4 Posted July 14, 2019 23 hours ago, jinz said: Sa labas ako ng bahay namin naghahagis ng asin sa likod ko para hindi na kailangang maglinis nung mga butil ng asin na kakalat. Ahhh kala ko habang nagcocomputer ka sabay hagis pag talo. HAHA yung iba dati narinig ko may swerteng underwear daw, o kaya naman ay swerteng kulay at oras sa pagtay. Pero wala talaga ako ginagawa, iniisip ko nalang may araw na malas may araw na swerte.
jinz Posted July 14, 2019 Author #5 Posted July 14, 2019 9 minutes ago, ceastem said: Ahhh kala ko habang nagcocomputer ka sabay hagis pag talo. HAHA yung iba dati narinig ko may swerteng underwear daw, o kaya naman ay swerteng kulay at oras sa pagtay. Pero wala talaga ako ginagawa, iniisip ko nalang may araw na malas may araw na swerte. Hahahaha hindi ganon. Halimbawang natalo ako kahapon, bago ako magsugal ngayon saka ako maghahagis ng asin para mawala ang malas ng kahapon. Tama, kahit anong ritwal o pamahiin ang sundin mo pero kung hindi naman talaga meant to be na manalo ka ng araw na yun nganga pa rin.
ceastem Posted July 14, 2019 #6 Posted July 14, 2019 2 minutes ago, jinz said: Hahahaha hindi ganon. Halimbawang natalo ako kahapon, bago ako magsugal ngayon saka ako maghahagis ng asin para mawala ang malas ng kahapon. Tama, kahit anong ritwal o pamahiin ang sundin mo pero kung hindi naman talaga meant to be na manalo ka ng araw na yun nganga pa rin. Ahhh wala talaga ako alam sa ganyan. Di rin kasi ako mahilig sa pamahiin mula nung bata pa. Mas naniniwala ako sa beginner's luck kesa sa mga ritwal nayan. Naaalala ko pa ng parang kahapon lang. Noong nagsisimula ako sa sugal online lagi ako panalo. Haha
chinitz Posted July 18, 2019 #7 Posted July 18, 2019 On 7/13/2019 at 10:43 PM, jinz said: Tayong mga Pilipino ay madalas maniwala sa mga pamahiin ng mga matatanda. Siguro dahil mga bata pa lang tayo ay ang dami na nating naririnig na "masama yung *ganito*, wag mong gawin yan mamalasin ka", "gawin mo yung *ganito*, swerte daw yan para may dumating na pera" at kung ano ano pa na tumatak na sa isip natin hanggang sa tayo ay tumanda na. Ikaw ba may pamahiin o ritwal na sinusunod ka bago ka magsugal o sa sugal kung pangkalahatang usapan? Ako, yung paghahagis ng asin sa likod tuwing natatalo ako ng malaki ang ginagawa ko. Nabasa o narinig ko yata yun, hindi ko na maalala hahahaha. Kapag ginawa mo daw yung paghahagis ng asin sa likod mo ay titigil daw yung malas na nakasunod sayo. Di ko masabi kung epektibo ba pero hindi naman masamang maniwala at gawin. Isang dakot na asin lang naman ang puhunan tuwing naghahagis ako at hindi ko rin naman madalas gawin yun tuwing natatalo lang talaga ng malaki. 😂 Ngayon ko lang nalaman na may mga pamahiin din pala pagdating sa pagsusugal, mga naririnig ko lang naman kasi sa matatanda eh yung tungkol sa paglilihi, pagpapakasal at pamahiin sa bahay. Dati papa ko nagkwento tungkol sa agimat, nawawalan daw nang silbi ang agimat kapag pumupunta ang isang taong may gamit nun sa mga pasugalan. Hindi ko lang alam kung tunay o totoo ba talaga ang ganung pamahiin.
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.