Jump to content

Bakit Nagpapatuloy Ka Pa Rin?

jinz

Featured Comment

Posted

Maraming manlalaro dito ang marami nang perang naipatalo pero patuloy pa rin sa pagsusugal. (Hindi ko sinasabi ako ito ah, pero parang ganun na nga ng very very veryyy slight lang. 😂)

Yung iba pa nga ay nagbebenta pa ng mga gamit nila o di kaya ay nangungutang pa.

Ang tanong ko ay BAKIT? Bakit patuloy ka pa rin sa pagtaya kahit marami na sayong nawala? #rhyming

Maraming bagay ang madali nating sukuan lalo na kung wala tayong magandang nakukuha o pakinabang, pero bakit parang dito sa pagsusugal hindi natin magawa?

Ayoko man tanggapin sa sarili ko pero feeling ko ay medyo naaadik na ako. Medyo lang kasi nakocontrol ko pa naman at hindi ko pa naiisip magbenta ng mga gamit ko may maipangsugal lang. 😂

Tapos iniisip ko yung mga talo ko at gusto kong mabawi ang mga iyon kaya patuloy pa rin ako. Parang yung kagustuhang makabawi ang pumipigil sa akin na huminto sa pagsusugal.

Ikaw, BAKIT?

Posted

Sa tingin ko yung "THRILL" at "EXCITEMENT" ang isa o dalawa sa mga dahilan kung bakit nagpapatuloy pa din. 😅

Bago lang ako sa mga gantong site na pasugalan pero nakakapaglaro naman ako ng ibang game tulad ng tong its at lucky9 noon pero walang taya yun ha. Masasabi ko na nakakaadik talaga sya lalo na kung nag eenjoy ka sa laro at maeexcite ka sa mangyayari. 

Kaya sa tingin ko may taya man o wala kapag naglaro ka makakaramdam ka ng thrill lalo na kung magaling ang nakakalaban at the same time mae-excite ka sa magiging resulta ng laro. Yung tipong manghihinayang ka kasi natalo ka o kaya yung muntik muntikan ng manalo. Kaya gugustuhin mo ulit maglaro kasi naiisip mo na "muntik ng manalo kanina eh sisiguraduhin ko na sa susunod mananalo na ko."

Ayon sa tingin ko lang naman. 😊

Posted
21 hours ago, chinitz said:

Sa tingin ko yung "THRILL" at "EXCITEMENT" ang isa o dalawa sa mga dahilan kung bakit nagpapatuloy pa din. 😅

Bago lang ako sa mga gantong site na pasugalan pero nakakapaglaro naman ako ng ibang game tulad ng tong its at lucky9 noon pero walang taya yun ha. Masasabi ko na nakakaadik talaga sya lalo na kung nag eenjoy ka sa laro at maeexcite ka sa mangyayari. 

Sabagay, kung boring nga naman paniguradong hindi babalik balikan. Kahit ako na hindi naman talaga nagsusugal dati ay nadala sa thrill at excitement eh. Hahaha

21 hours ago, chinitz said:

Yung tipong manghihinayang ka kasi natalo ka o kaya yung muntik muntikan ng manalo. Kaya gugustuhin mo ulit maglaro kasi naiisip mo na "muntik ng manalo kanina eh sisiguraduhin ko na sa susunod mananalo na ko."

Yung panghihinayang sa natalo ang tingin kong isa sa mga pinakadahilan kung bakit hindi matigil tigil ang karamihan eh, isa na ako dun hahahaha. Sa kagustuhang makabawi sa mga nawala ay mapapalaro ka tapos habang nasa panahon ka ng pagbawi ay may mga pagkakataon na mananalo ka. Isa sa mga nagpapalakas ng loob na magpatuloy yon. Syempre hindi araw araw ay pasko kaya may talo moments pa rin so karagdagang pagkatalo na naman.

Habang hinahabol ang mga nawala ay mas lalong nadaragdagan ang nawawala. 😂 

Posted
20 minutes ago, jinz said:

Sabagay, kung boring nga naman paniguradong hindi babalik balikan. Kahit ako na hindi naman talaga nagsusugal dati ay nadala sa thrill at excitement eh. Hahaha

Yung panghihinayang sa natalo ang tingin kong isa sa mga pinakadahilan kung bakit hindi matigil tigil ang karamihan eh, isa na ako dun hahahaha. Sa kagustuhang makabawi sa mga nawala ay mapapalaro ka tapos habang nasa panahon ka ng pagbawi ay may mga pagkakataon na mananalo ka. Isa sa mga nagpapalakas ng loob na magpatuloy yon. Syempre hindi araw araw ay pasko kaya may talo moments pa rin so karagdagang pagkatalo na naman.

Habang hinahabol ang mga nawala ay mas lalong nadaragdagan ang nawawala. 😂 

Tama, hanggang sa maging hobby na ang pagsusugal. Hindi mo na namamalayan na naaadik kana, nawawalan na ng control sa pagtaya basta lang makalaro at sa kagustuhang manalo. Ang masaklap pa dun kung naubos na ang pangtaya. Nawalan kana natalo ka pa. Double kill. Hahahaha

Posted
Just now, chinitz said:

Nasa stage na yata akong ng pagiging hobby ang sugal, hindi ko akalain na aabot ako sa ganito hahahahuehuehue. Mabuti na lang at pinatago ko na kay JV ang mga natitirang napanalunan/naipon ko at hindi na ako makakaabot sa double kill.

Posted

Wala pa naman ata ako sa point na nagiging hobby na ang pagsusugal hahahaha. Buti na lang talaga at nanjan si tangkad JV para pigilan ka sa mga binabalak mo. 😁😂  Akalain mo yun ikaw pa pinagsasabihan. Hahaha 

Posted
2 hours ago, chinitz said:

Wala pa naman ata ako sa point na nagiging hobby na ang pagsusugal hahahaha. Buti na lang talaga at nanjan si tangkad JV para pigilan ka sa mga binabalak mo. 😁😂  Akalain mo yun ikaw pa pinagsasabihan. Hahaha 

Nako wag mo nang hangarin hahaha. Dapat hindi ka mawili sa sugal, delikado. Pinagalitan nga ako nung nalaman na nanalo na tapos pinatalo pa, ang sabi pa ayan naaadik ka na. 😂 Mabuti yung may pumipigil para hindi rin tuloy tuloy yung talo.

Posted
12 hours ago, jinz said:

Nako wag mo nang hangarin hahaha. Dapat hindi ka mawili sa sugal, delikado. Pinagalitan nga ako nung nalaman na nanalo na tapos pinatalo pa, ang sabi pa ayan naaadik ka na. 😂 Mabuti yung may pumipigil para hindi rin tuloy tuloy yung talo.

Napipigilan ko pa naman ngayon ang magsugal, at kung sakali man na magsusugal ako mababa lang ang tinataya ko. Buti nga may taga pigil sayo eh sakin wala hahaha. Sayang kasi talaga yung nanalo kana tapos sinugal mo ulit natalo pa. 

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use