Jump to content

Gaano Kaimportante ang 2FA


jinz

Featured Comment

Posted

Nung nakaraang buwan, yung tatlong streamers na pinapanuod ko na sumasali sa race ay "nahack" ang mga account at yung mga balanse nila ay nawithdraw ng hacker. Ang pagkakapareho ng tatlong streamers ay hindi nakaset ang 2fa ng mga accounts nila kaya walang kahirap hirap na nakuha ang mga pera nila. Yung isa nahack ay 11 ethereum ang nawala habang on going pa yung stream niya. Yung dalawa naman ay off stream nahack na nagkakahalaga daw ng $300 - $450 ayon sa twitter posts nila.

Pinalitan ng Stake yung mga pera nilang tatlo kapalit ng pagbura ng mga hack posts dahil tingin ko ay iniiwasan ng Stake na masira ang iniingatan nilang pangalan dahil sa mga "hacking incidents" na nangyari, siguro dahil malaki rin ang bilang ng mga followers ng tatlong streamers at makakasama yun sa marketing nila. Pero kung tutuusin ay ang mga manlalaro ang reponsable sa mga pangyayari.

Oo medyo hassle ang 2FA lalo na kung nagmamadali ka kasi imbes na dire-diretso na lang na username at password o withdrawal amount at wallet address lang ang ilalagay mo ay dagdag pa sa itatype ang mga numero na galing sa authenticator app para magawa ang paglalog in at pagwiwithdraw pero malaking tulong rin ito para sa dagdag seguridad ng mga accounts natin. Sabi nga nila, better safe then sorry.

Ikaw ba nakaset na ang 2fa sa account mo?

Posted

Ganun? Siguro kung madami ako pera dito sa stake mag seset up ako 2fa

pero dahil wala naman ako masyado pera dito, dagdag trabaho lang sakin yun. Haha

kaya pala biglang may nangungulit na mag set up ng 2fa sa notifs kasi may insidente palang ganyan. 

Posted
13 minutes ago, ceastem said:

Ganun? Siguro kung madami ako pera dito sa stake mag seset up ako 2fa

pero dahil wala naman ako masyado pera dito, dagdag trabaho lang sakin yun. Haha

kaya pala biglang may nangungulit na mag set up ng 2fa sa notifs kasi may insidente palang ganyan. 

Oo. Ayun yung dahilan kung bakit nagkaroon ng notification dito sa Stake na ion ang 2FA para hindi mahack ang mga balance natin.

Eto pa nga ang tweet ni koya Eddie tungkol dun.

image.thumb.png.4e9d943210fff1e6078e78c4b8cb8530.png

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use