jinz Posted July 23, 2019 #1 Posted July 23, 2019 Kagabi ay pinalad akong manalo sa twitch stream ng isa sa mga sinusubaybayan kong sumasali sa race. Ang premyo ay 0.34 Ethereum o mahigit tatlong libo kung ipapalit sa pesos. Malaking halaga na at maaari na agad iwithdraw pero dahil gusto kong makarating sa wallet ko ng saradong 0.34 ay nilaro ko muna ito sa Diamond Poker. Isang bagsakang 0.0002 Ethereum lang at ayos na sana, ang kaso ay pula ang resulta. Ang ginawa ko ay nag 2x ako o ang pinakakaraniwang martingale strategy. Nakakalokang nagsunod sunod ang pula at umabot ng 0.10 ang bet ko! May naggreen naman pero mas marami ang pula, sa huli yung 0.34 ay naging itlog. Pera na sana pero naging bato pa! Nag-isip ako kung papabayaan ko na lang ba na natalo yung 0.34 Ethereum o tataya pa ako kasi nakapagwithdraw na rin naman ako kagabi noong natapos ang race dahil medyo sinwerte akong manalo at mapaabot ang 240k sats sa 1m sats. Nanaig yung negatibong pag-uugali ko na bawiin ang natalo kaya yung pondo ko na nasa trading site ay winithdraw ko muna para gamiting pampuhunan pambawi. Nilaro ko ulit ang Ethereum na diniposito ko sa Diamond Poker at sinubukang magpre rolls bago tumaya. Sa awa ni Papa G ay nakabawi naman ako. Ilang beses ng nangyari sa akin na sa kakahabol sa withdrawal fee ay lalong nadisgrasya ang iwiwithdraw na sana. Pipilitin ko (sana yung nangyari kagabi na ang huli) na hindi na manghinayang sa withdrawal fee para hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Ikaw ba nakaranas na nang sitwasyon na papawithdraw ka na sana pero nadisgrasya pa ang balance mo?
tsoyens Posted July 23, 2019 #2 Posted July 23, 2019 maraming naghihinayang , pero mas marami din ang siniswerte kaya. kung ako lalaroin ko muna hanggang lumago dependi na sa roll yung kung matalo atleast enjoy.
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.