jinz Posted July 27, 2019 #1 Posted July 27, 2019 Isa ako sa mga nanghihikayat sa ibang manlalaro sa Stake na makisali dito sa komunidad ng mga Pinoy sa forum kaya natutuwa ako kapag may mga bagong manlalaro ang nagpopost o komento dito. May napansin lang ako kaya maglilista ako ng mga sa tingin ko ay makakatulong para maging pamilyar kayo dito sa forum at sa mga pasikot sikot nito. Doon tayo sa tama, hindi ako nagmamagaling pero isa sa mga napansin ko ay madalas sa hindi tamang board naipopost ang mga topic. Merong rule dito sa forum na kapag sa maling board ka nagpost at nilipat iyon ng mod ay maaari kang mabawasan ng kinita mong forum sats sa post na iyon, kaya may mga manlalaro na nagnenegative ang balance dito sa forum ay dahil don. Pero hindi pa naman kumikita ng sats ang mga bagong account kaya medyo ayos pa yung unang pagkakamali na yun. Hindi ko lang alam kung nawawarningan ba sila. Ugaliin nating magbasa, minsan yung title lang ang binabasa ng karamihan sa mga nagkokomento sa mga topic na nasa english section kaya ang ending, yung reply hindi tugma dun sa nakapaloob sa post. Minsan kapag nagbabasa rin ako sa mga post at comment doon ay nakakaisip ako ng topic na ipopost kaya kahit mahaba minsan ang post ay pinagtyatyagaan kong basahin. Baka makapulot din kayo ng ideya sa english para sa susunod na topic na ipopost niyo. Palawakin ang reply, kung balak natin na makaipon ng malaki dito sa forum sa kakareply o comment ay wag yung isang pangungusap lang ang gawin nating tugon sa mga topic. Spammy posts ang mga turing sa ganito lalo na kung sa mga may bayad na forum sections ka nagpoposts. Saka sayang lang ang post na nabawas sa daily post limit mo kung ang irereply mo lang ay limang salita. Hanggang maaari ay gawin natin itong mahaba at hindi nag ooff topic. Maganda yung magbigay ka ng detalyadong opinyon mo sa topic, sa ganitong paraan ay mas mapapahaba at magiging tuloy tuloy ang usapan at diskusyon. Maging detalyado sa gustong iparating, konektado ito sa pagpapalawak ng reply. Ito naman ay sa pagpopost ng topic, minsan bitin ang laman ng post kaya hindi masyadong gets ng mga magkokomento kung ano ba talaga ang tinatalakay mo. Ako, hanggang maaari ay gusto kong umaabot ng at least apat na pangungusap sa bawat bagong post ko para nasa pagitan ng 3000 - 7500 ang bigay. Sulit kasi para sa akin kapag nasa ganon ang bayad hahahaha. Suggestion ko rin na bisitahin ang mga thread na ito para sa dagdag kaalaman sa mga bagay bagay dito sa forum: Inuulit ko po, hindi ako nagmamagaling. Gusto ko lang makatulong na hindi kayo mawarningan o masayang yung effort niyo dito sa forum. Nasa sa inyo pa rin naman kung gagawin niyo ang mga nabanggit sa taas o hindi.
chinitz Posted July 27, 2019 #2 Posted July 27, 2019 Salamat jinz sa napakagandang tips. Lagi mo yang pinapaalala sakin kaya tinatandaan ko talaga at ginagawa ko yung mga suggestion mo para sakin. Lalo na noong bago pa lang ako puro maiikli lang ang mga reply ko, napansin mo yun kaya sinabihan mo ko na habaan ko ang mga reply ko. Ang bait bait talaga ng kaibigan ko. 😊😁😘
jinz Posted July 27, 2019 Author #3 Posted July 27, 2019 1 hour ago, chinitz said: Salamat jinz sa napakagandang tips. Lagi mo yang pinapaalala sakin kaya tinatandaan ko talaga at ginagawa ko yung mga suggestion mo para sakin. Lalo na noong bago pa lang ako puro maiikli lang ang mga reply ko, napansin mo yun kaya sinabihan mo ko na habaan ko ang mga reply ko. Ang bait bait talaga ng kaibigan ko. 😊😁😘 Yung iba kasi hindi masyadong informed kaya dapat tulungan lalo na at nakikita naman na nag-eeffort sila na maging active dito. Maganda yung nagtutulungan tayo dito sa forum para mas sumigla at hindi maubusan ng pag-uusapan. Sama sama tayong magpayaman, pawer! ☝️
Jeazelle Posted September 4, 2019 #4 Posted September 4, 2019 Salamat sa mga mahalagang impormasyon malaking tulong to para sa mga baguhan. at sana yung mga baguhan magbabasa din sila.
yomzkie Posted September 5, 2019 #5 Posted September 5, 2019 Salamat Jinz sa impormasyon na iyong binabahagi sa forum isa ka ng alamat +1 ka sakin hehe, sana maging isa ka na ring mod sa stake
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.