chinitz Posted August 1, 2019 #1 Posted August 1, 2019 Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na magdagdag, paniguradong TONG-ITS agad ang isasagot ko. Bakit? Kasi kung tutuusin madali lang syang laruin at masasabi ko talaga na nag eenjoy akong laruin yun. Sa iba nabo-boringan sa larong tong-its pero ako hindi, yan pa nga ang nilalaro ko sa mobile ko kapag tinatamad ako sa work o kaya kapag walang ginagawa. 😂😂 Pangalawang choice ko yung UNO CARD. Nalaro ko to noong nag aaral pa ako sa kolehiyo, tinuruan lang ako ng mga clasmate and friends ko noon. Madali lang din syang laruin at nakaka enjoy din lalo na kung madami kayong maglalaro. Bumili pa nga ako noon ng uno card tapos tinuruan ko mga pinsan ko na laruin yun at nag enjoy naman sila. Sa ngayon hindi na ako nakakapaglaro ng tong-its at uno card, madalas na kasing mag hang phone ko kaya nagbawas ako ng mga apps at kasama na yung mga games sa binawas ko tutal sumali naman na ako dito sa stake at yung uno cards ko na nabili hiniram ng mga pinsan ko hanggang ngayon nganga walang bumalik, kulang kulang na ang mga cards. At yun na nga namimiss kong laruin ang dalawang yun. Ikaw? Ano ang gusto mong idagdag na game sa stake? PS. Sinubukan ko lang ulit gumawa ng topic 😅
jinz Posted August 1, 2019 #2 Posted August 1, 2019 1 hour ago, chinitz said: tong-its at uno card Hindi ako pamilyar sa uno card, dalhin mo nga yan sa bahay sa linggo subukan natin hahahaha. Yung tong-its bata pa lang naririnig ko na yan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin sya alam laruin. 1 hour ago, chinitz said: Ikaw? Ano ang gusto mong idagdag na game sa stake? Parang magandang magkaroon ng color game dito, yung katulad nung nasa perya. Sa lahat ng sugal na nasubukan ko color game at bingo ang paborito ko eh.
chinitz Posted August 2, 2019 Author #3 Posted August 2, 2019 10 hours ago, jinz said: Hindi ako pamilyar sa uno card, dalhin mo nga yan sa bahay sa linggo subukan natin hahahaha. Yung tong-its bata pa lang naririnig ko na yan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin sya alam laruin. Nakita mo na ata yun, wait hanap ako ng picture nun. Aww sige bibili na lang ulit ako ng card hahahaha. Tuturuan ko kayo, maganda yun laruin lalo na kapag madami tayo. 10 hours ago, jinz said: Parang magandang magkaroon ng color game dito, yung katulad nung nasa perya. Sa lahat ng sugal na nasubukan ko color game at bingo ang paborito ko eh. Gusto ko din yan, sana may ganyan din laro dito sa stake. Namiss ko din yan.
Jeazelle Posted September 4, 2019 #4 Posted September 4, 2019 Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mag dagdag ng game sa stake ang gusto kong idagdag ay BINGO. Tapos si sir eddie yung taga sigaw.
yomzkie Posted September 5, 2019 #5 Posted September 5, 2019 Kung ako naman ang bibigyan ng pagkakataon na magdagdag sa stake ng laro ang isusuggest ko ay texas hold em poker maganda ito dahil pwede ka umalis at bumalik sa table kung panalo or talo, tsaka may pagkakataon kayo makipagbonding sa ibat ibang player san man dako sa mundo kada table, pwede kang pumili kung sa mataasan ka na blinds or maliitan lang
arri09 Posted September 6, 2019 #6 Posted September 6, 2019 On 9/4/2019 at 8:07 AM, Jeazelle said: Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mag dagdag ng game sa stake ang gusto kong idagdag ay BINGO. Tapos si sir eddie yung taga sigaw. bet ko rin ito earn mas enjoy at nkaka intense lalo kpag puro kna hahah
yomzkie Posted September 6, 2019 #7 Posted September 6, 2019 Natawa ko sa bingo at si Eddie pa ang tiga sigaw, imagine sa letra ng "O" matanda haha
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.