Jump to content

ang pinagdaan ko sa sugal


alindog123

Featured Comment

Posted

Experience ko sa sugal ? yun eto na nga first time ko nun sa egames sinama ako ng tropa kong lulong or di naman lulong kumbaga bisyo na nya sa circle C mall sa conggressional . may pera ako nun siguro mga worth of 3k ang dala kong pera tapos ang nilaro namen ay yung BINGO BONANZA depende yun sayo kung ilang cards ang kukunin mo at syempre kapag mas madaming kang cards mas malakas yung tsansa mo manalo . natalo kami nun halos umuwi kaming naglalakad nalang minalas kami . then yung mga sumunod na weeks nahiligan ko na halos ma-addict ako nun sahod ko dun napupunta kung minsan nagdadasal pa ako hinihiling ko na manalo kahit hndi sa jackpot . dumaan pa yung ilang araw may mga kakilala nako doon na player din sa egames so ayun one time na naglaro ulit ako dun meron akong nakasabay na magbibingo marunung sya hndi sya basta tumataya nanunuod muna sya siguro mga 2 rounds bago sya kumuha ng cards tinanung ko sya habang naglalaro kami kung matagal na sya naglalaro ng bingo at habang naglalaro kami hndi ko tinitingnan cards nya fucos ako sa cards ko kasi gusto ko manalo at yun nag hands-up sya sabay sigaw ng BINGO at nanalo sya di ako makapaniwala nun kase parang ang galing nya maglaro ng ganun nanalo sya 25k 4cards ang meron sya at pagkuha nya ng pera hndi na sya naglaro ulit kumbaga easy money na . sa isip-isip ko swerte sya o natapat o marunung talaga sya sa larong yun . tapos nagkita kami ng tropa kong addict sa bingo na nagturo saken nagkita kami dun naglaro kami galing akong quiapo nun kasi birthday ko dumiretcho ako dun at siguro mga nakaka 4 set na kami nun tapos yung panlima ayun tinamaan kami ng swerte ng tropa ko parehas kaming bingo panalo kami ng tag 25K bale 50k nakuha namen tuwang tuwa kami 🤑🤑 kasi sa tagal ko na naglalaro nun yung araw nayun ay nanalo kami pero hndi kami umayaw nun tuloy lang kaen lang muna kami tapos balik kami sa laro target namin yung jackpot na 150k pero mali pala maling mali kasi yung napanalunan namin kinuha din ng egames nayun . naging aral sakin yun simula nun hndi nako naglaro ng egames . nakakalungkot isipin na pera na naging bato pa imbis na bawi na sana sa lahat ng naging talo ko e bandang huli wala padin akong napala ..... eto pong kwento na to hango sa nangyare sa buhay ko sa mga maniniwala e salamat sainyo basta nashare ko sainyo to ok na yun siguro magsilbing lesson din sainyo na mahilig din sa sugal na kung ang pera na galing sa sugal kung hndi mo titigilan ay babawiin sayo minsan doble pa . SALAMAT . 😄🤣

Posted

Sayang yun, panalo na nawala pa. Dapat talaga iwasan natin ang pagiging greedy lalo na kung nadoble, triple na natin ang puhunan natin. Tigil ngayon kasi panalo na, tapos laro ulit sa ibang araw at subukang manalo. Good luck sa mga susunod mong paglalaro.

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use