alindog123 Posted August 14, 2019 #1 Posted August 14, 2019 anu pong masasabi nyo patungkol po sa sugalan sa lamay?halimbawa n lang po sa mga may patay or lamay malaking tulong din po yun may mga nagsusugal tulad ng tong it or pusoy at sakla yun nakukuha nilang tong sa bawat sugal malaking tulong na rin pandagdag sa pampalibing at panggastos nila kaya malaking kawalan din po sa mga walang pampalibing lalo na po ngaun na mahigpit na pong ipinagbabawal yan sa mga lamay or patay.sana ay payagan parin.
jinz Posted August 15, 2019 #2 Posted August 15, 2019 Hindi ako nanunuod ng balita pero nagsearch ako sa google, wala namang bagong articles na nagsasabi na bawal na ang sugal sa lamay. Bakit daw bawal na ang sugal sa mga lamay? Hindi ako madalas pumupunta sa mga lamay pero nung namatay ang lolo ko, bingo ang isa sa mga naging pampalipas oras namin ng mga pinsan ko habang hinihintay namin na magising yung mga magulang namin kasi kaming magpipinsan ang bantay sa gabi hanggang mag-umaga. Ang boring non kapag nakatunganga lang kami magdamag at walang ginagawa. Isa ang sugal gaya ng bingo at tong its sa mga pampalipas oras ng mga nasa lamay kaya kung ipagbabawal na ang mga ito ay parang kulang na ang nakasanayan ng karamihang Pinoy.
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.