Jump to content

Epekto ng Sugal sa Isang Tao


dmbadillo10

Featured Comment

Posted

Kamusta PH Players! :)

Isa sa mga paniniwala nating mga pinoy na ang epekto lang ng sugal saten ay ang pagkatalo ng pera. Easy lang tong intindihin, kasi mabibilang ang pera. Masusukat mo agad kung ano or magkano ang talo sayo. Pero sa totoo lang, bukod sa pera, may epekto rin ito sa emosyonal at psychological.  Hindi to mabilis ma-identify, sapagkat ang emosyonal at psychological ay mahirap masukat. Mapapnsin mo lang ito kung bibigyan mo talaga ng kaukulang atensyon.

Today, ili-list ko ang mga karaniwang epekto saten ng sobrang pagsusugal:

Pinansiyal:

  • Pagkabaon Sa Utang.
  • Pagkatalo ng Inipon na Pera.
  • Pagiging involve sa mga Lending, or Pautangan na may Interest.

Legal:

  • Pag-gawa ng krimen, para magkaroon ng Pangsugal.
  • Pagkakaron ng kaso, dahil sa mga utang na hindi binabayaran.

Trabaho o Pinagkakakitaan (Employment):

  • Pagbaba ng Productivity sa Trabaho.
  • Pag absent o hindi pag pasok sa Trabaho.
  • Dumadame ang dahilan kung bakit late or absent sa Trabaho.

Kalusugang Pisikal:

  • Kawalan ng sapat na tulog.
  • Nakakadagdag ng pagiging nerbyoso o pagiging kabado.
  • Ulcer, dahil sa hindi pagkain dahil libang sa sugal, or wala ng pangkaen dahil talo sa sugal.
  • Pag gamit ng bawal na gamot or pagkalulong sa alak.

Mga Relasyon sa Ibang Tao:

  • Pagaway sa mga miyembro ng pamilya. (Asawa, Kapatid, Tatay, Nanay at iba pa.)
  • Pakikipaghiwalay or Paglayas.

Kalusugan ng Isip:

  • Di mai-explain na kalungkutan or depression.
  • Low self-esteem.
  • Pagbabago ng Personalidad.
  • Posibilidad na mag-suicide dahil sa depresyon.

Edukasyon:

  • Kawalan ng focus sa pagaaral.
  • Pag-absent or pagiging late sa school.
  • Pagbagsak o pagbaba ang mga grades sa school.

Ilan lang to sa mga pwedeng maging epekto ng sugal sa isang tao.

Meron pa ba kayong alam or nababase sa sariling nyong experience? Pwede nyong i-share dito.

Maligayang Buhay sa inyong lahat! :D

 

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use