eldrindcm Posted November 2, 2018 #1 Posted November 2, 2018 Sampung taon na ang nakakalipas nang ilathala ni Satoshi Nakamoto ang whitepaper ng Bitcoin! Noong Miyerkules, ika-31 ng Oktubre, ang orihinal na Bitcoin whitepaper ay sampung taong gulang na simula nang mailathala ito ni Satoshi Nakamoto. Ito ang naging modelong whitepaper sa maraming ICO projects upang ma-develop ang kanilang bagong altcoins. Ito ang dahilan kung bakit ang bitcoin ang magiging kinabukasan ng digital na pera. At dahil sampung taon na ang Bitcoin whitepaper, may mga katanungan ako: Nabasa mo na ba ang nasabing whitepaper o nag-invest sa crypto matapos basahin ang whitepaper? Nahirapan ka bang intindihin kung ano ang nilalaman ng whitepaper na ito dahil sa mga teknikal na salita? Ano sa tingin mo ang magiging estado ng bitcoin (o ang buong cryptocurrency) sampung taon mula ngayon? Mag-reply lamang dito at kung hindi mo pa nababasa ang whitepaper, inaanyayahan ko kayong basahin na ito. Narito ang nasabing Whitepaper ng Bitcoin: https://bitcoin.org/bitcoin.pdf/
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.