Jump to content

Kauna-unahang Blockchain Lab sa Pilipinas


eldrindcm

Featured Comment

Posted

Noong October 22, inilunsad ang AMBERlab, ang kauna-unahang university-based blockchain at education research laboratory sa ating bansa. Dahil sa nakitang kakayahan ng blockchain, nagtulungan ang Ateneo de Manila University at health technology startup MediXserve para mailunsad ang AMBERlab. Ang pangunahing layunin ng AMBERlab ay magturo tungkol sa blockchain para mas lumawak pa ang kaalaman natin dito. Magkakaroon din ang AMBERlab ng mga pampublikong seminar tungkol sa teknolohiya ng blockchain.

 

Tingin ko, dahil dito, marami pa ang mga susunod na unibersidad o paaralan ang magtuturo ng tungkol sa blockchain. Panibagong oportunidad na naman para sa mga blockchain enthusiast. Nawa ay ito na ang simula nang patuloy na pag-adopt ng Pilipinas sa makabagong teknolohiya para hindi tayo mapag-iwanan. 

 

Source: http://newsbytes.ph/2018/10/27/ateneo-de-manila-tech-startup-launch-first-blockchain-lab-in-ph/

Posted

Ibig sabihin may magtuturo ng mga kurso patungkol sa blockchain at crypto? Ito talaga yung gusto na nabanggit ko ata kay willyboy dati about sa pagkakaroon ng mga seminars patungkol sa cryptos. 

Sana lang eh di gaanong kamahalan yung presyo kapag attend sa mga ganito. 

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use