Jump to content

Resto Bar na Tumatanggap ng Bitcoin


eldrindcm

Featured Comment

Posted

Medyo matagal na ito pero gusto ko pa rin ibahagi  Ayon sa tweet ng artista na si Paolo Bediones, ang Punta Mandala, isang resto-bar sa Mandaluyong ay tumanggap ng (pinaka-unang) Bitcoin bilang bayad noong Nobyembre 25, 2017.

Nag-tweet si Paolo Bediones, isang TV at events host at ang may-ari ng Punta Mandala tungkol sa kauna-unahang Bitcoin na ibinayad dito:


Dagdad pa ng TV host na ang kanyang resto-bar ay tatanggap rin ng iba pang mga crypto coins tulad ng Ethereum, Litecoin, Ripple, and Loyalcoin. Si Bediones ay isang cryptocurrency enthusiast tulad nang makikita at mapapansin sa kanyang twitter account: @paolobediones

 

Ang Punta Mandala ay isang resto-bar and events place na matatagpuan sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong. Ino-offer nila ang iba't ibang mga Filipino, Latin American, Tex-Mex na mga luto at Nachos ala Punta at Sisig Quesadilla bilang mga "must-try food".

PUNTA MANDALA (Google Map)
Shaw Blvd, Pleasant Hills, Mandaluyong, 1552 Metro Manila
Operation Hours:

  • Monday to Wednesday – 4 PM to 2 AM
  • Thursday to Sunday – 4 PM to 3 AM

 

Para sa akin, bukod sa cash at/o credit/debit card, magandang option din ang cryptocurrency bilang pambayad. Hindi naman unlimited ang pera (fiat) na lagi nating dala, kaya ang pagbayad gamit ang BTC ay isang magandang option. Sabihin natin na kinulang ang dala mong pera pero may laman ang coins.ph account mo, kailangan mo lang ang BTC address ng Punta Mandala at bayad ka na! Hindi mo na kailangan pang magwithdraw para lang makabayad. Sana dumami pa ang mga establishment ang tumanggap ng cryptocurrency bilang pambayad.

Posted

nakakatuwa na padami ng padami yung mga store na tumatanggap ng bitcoin as payment. sana mas dumami pa para less hassle para satin ang pagdadala ng malaking cash :)

Posted

May mga artista na rin na tumatanggap ng ganito gaya ni Manny Pacquiao na nakapagendorso ng ibang ico.Nakakatuwa lang kasi may impact din atleast ito sa mga gumagamit ng btc dito sa Pinas. 

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use