eldrindcm Posted November 30, 2018 #1 Posted November 30, 2018 Sa thread na ito, ating pag-usapan ang mga Cryptocurrency at Blockchain conference/meetups/forums kung saan maaari tayong sumali upang madagdagan pa ang ating kaalaman pagdating sa mundo ng crypto lalo na sa pag-invest/trade. MGA PAPARATING: Blockchain Conference Philippines hatid ng Smile-Expo | December 6, 10 AM - 5 PM sa Holiday Inn & Suites Makati. Ang ticket ay mabibili sa https://philippines.bc.events/ sa halagang $99 (hanggang December 5 lamang); $250 (December 6). MGA TAPOS NA: BlockLab DISH 2018 | Ginanap noong November 10 sa De La Salle College of Saint Benilde - School of Design and Arts; Libre ang ticket. Higit pang impormasyon: Click here Bitcoin Innovation Tour (BIT) | Ginanap noong November 13 sa Okada Manila, Paranaque City. Higit pang impormasyon: Click here The Road to ICO: Crazy Rich Blockchains | Ginanap noong November 19 sa Microsoft Philippines, Makati City. Higit pang impormasyon: Click here Philippine Investment Funds Association (PIFA) MF Week: Rising with the Current of Economic Growth through Investing | Ginanap noong November 24 sa Samsung Hall, SM Aura Premier. Higit pang impormasyon: Click here Token News Conference | Ginanap noong November 25 sa SMX Convention Center, Pasay City. Higit pang impormasyon: Click here Kung may nais kayong idagdag sa listahan, paki-reply nalang po; mas maganda sana kung libre ang pagsali sa event Maraming salamat mga kababayan!
xtinepink Posted May 5, 2019 #2 Posted May 5, 2019 Sa ngayon naghahanap ako ng mga events na medyo malapit sa amin pero wala pa din halos lagi sa Manila. Malaking tulong ang ganito kasi mas lalo napapalaganap ang tungkol sa cryptocurrency at blockchain.
ceastem Posted May 12, 2019 #3 Posted May 12, 2019 Sa totoo lang po, masasabi akong isang baguhan sa ganitong mga usapan. Pwede nyo po ba malinaw sa akin kung paano makakatulong sa akin ang pagsali sa mga ganitong events? Para sakin kasi ang laki entrance fee hehe dahil di pa naman ako manggagawa. Oo marami ako matututunan, pero ano pag kakaiba nun sa pagreresearch ko nalang sa bahay kesa gumasta ako ng malaki para sumali sa ganito?
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.