Jump to content

Ang Buhay ng Sugalero


eldrindcm

Featured Comment

Posted

Alam naman nating lahat na kapag nagtagal, may magiging epekto ang pagsusugal sa ating buhay, maganda man ito o hindi. Narito ang ilan sa mga naisip kong maaaring maging epekto ng pagsusugal sa ating buhay (at sigurado ako na ang ilan dito ay totoo o nangyari na):

 

Magagandang epekto:

  • Walang kasiguraduhan, ngunit kapag ikaw ay maswerte, madali lang kumita sa pagsusugal. Yung tipong naka-upo ka lang at nagkakape, at sa ilang rolls o taya lang, mayaman ka na!
  • Ang pagsusugal ay nakakapag-bigay ng tinatawag natin na "pleasure". Nagtatanggal ito ng kaboringan ng ating mga buhay, lalo na kapag nananalo tayo!
  • Hindi lang pleasure at pera ang maaari mong makuha sa pagsusugal, maaari ka rin manalo ng mga kaibigan. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang komunidad ng Stake!

 

Hindi magagandang epekto:

  • Yung tipong umutang ka lang ng panglaro o di kaya ay bagong sahod ka, naisipan mong magdeposito, at dahil wala kang swerte, talo lahat. Natalo ka na nga, may babayaran ka pang utang o bawas na ang sahod mo, worst, wala ka nang sahod, ubos!
  • At pag nagpatuloy sa pag-utang, baka mabaon ka pa sa utang, at hindi mo na ito kayang bayaran.
  • Sabi ko kanina, nagbibigay ng pleasure ang pagsusugal, pero kapag hindi na, depression/stress ang ibibigay nito sa iyo.
  • May mga pagkakataon din na maaaring makasira ng pagkakaibigan ang sugal.
  • May mga tao rin na sinusuko ang reputasyon dahil lang sa sugal.
  • At ang pinakamalala sa lahat, maaari rin dumating sa punto na ipagpalit pa natin ang ating pamilya sa pagsusugal. Yung tipong wala ka nang paki-alam sa pamilya mo at mas binibigyan ng importansya ang pagsusugal.

 

Ilan lang ito sa mga maaaring maging epekto ng pagsusugal sa ating buhay. At sa kabila ng mga epektong ito, lalo na ang mga hindi magaganda, maraming tao pa din ang nagsusugal. Ikaw, bilang sugalero, paano mo maha-handle ang mga posibleng epekto ng pagsusugal sa iyong buhay?

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...

Important Information

Privacy Policy Terms of Use