jinz Posted July 24, 2019 #1 Posted July 24, 2019 Nabasa ko noong nakaraan sa English chat na mas lamang na raw ang dami ng mga Pinoy na manlalaro dito sa Stake kesa sa mga Ruso na dating pinakamaraming manlalaro according kay Eddie. Halos araw araw siguro ay may Pinoy na bagong salta sa Stake at kapag sila ay may kakayahan nang magchat ay nahihirapan silang makifit in o makisali sa usapan nang nakakarami lalo na at wala silang kakilala. Yung iba ay bago pero naimbitahan naman ng kaibigan o kakilala kaya madaling maging "belong". Ako mismo ay naranasan ko ang hirap na hindi makifit in noong nagsisimula pa lang ako dahil wala akong kakilala. Puro hi at hello lang ako madalas noon tapos ay hindi na nasusundan dahil walang pumapansin, ayoko naman na masabihang feeling close kaya pinapabayaan ko na lang hue hue hue. Sa English chat pa iyon kasi parang ghost town pa sa Filipino chat noon. Nasasalamin din siguro sa personalidad natin sa online kung paano tayo sa personal dahil sa totoo lang ay mahiyain ako at kailangan muna ng ilang panahon bago ako maging komportable sa kausap kaya siguro nahirapan akong makifit in sa chat noon. Tapos ayun din ang dahilan kaya hindi rin ako masyadong nakikipagchat sa mga bago ngayon. Yung ibang bagong manlalaro naman ay sobrang friendly kaya nakakasundo agad ang karamihan, special mention kay @lenra609 na sa pagkakatanda ko ay bigla na lang sumulpot sa chat (hindi ko alam kung may nag-invite) at naging kaclose ang halos lahat hahahaha at kay @yomzkie na napakafriendly, isa sa pinakamabilis kong nakaclose. May maipapayo ba kayo sa mga baguhan pa lang para makasabay sila sa usapan sa chat at maramdaman nilang hindi sila others?
chinitz Posted July 24, 2019 #2 Posted July 24, 2019 Feeling ko ma o-out of place din ako, lalo na kung wala akong ibang kilala maliban sayo. Hindi din ako masyadong pala kibo lalo na kung hindi ko pa kilala, minsan lang ako saniban ng kakapalan para ako yung unang mag approach.
jinz Posted July 24, 2019 Author #3 Posted July 24, 2019 2 minutes ago, chinitz said: Feeling ko ma o-out of place din ako, lalo na kung wala akong ibang kilala maliban sayo. Hindi din ako masyadong pala kibo lalo na kung hindi ko pa kilala, minsan lang ako saniban ng kakapalan para ako yung unang mag approach. Sa totoo lang naisip ko itong topic na ito dahil sayo na bagong sali dito sa Stake saka sa pagiging newbie ko sa bago kong trabaho. Tapos last week ko pa dapat ito ipopost, ang kaso hanggang title pa lang ako non at kanina ko lang ito natapos gawan ng laman. 😂 Mahirap yung papasok ka sa lugar na magkakakilala na halos lahat, tapos wala kang kakilala. Pero marami namang friendly sa Stake Filipino chat, kapag naunlock mo na yung minimum wager ay makakausap mo rin sila doon.
ceastem Posted July 24, 2019 #4 Posted July 24, 2019 Kapag kasi kunyari ang aktibo sa chat ay mahilig lang manghingi, mas pinipili ko na na di na maging friendly. Haha Kakainis hingi ng hingi wala naman ako mabibigay. XD
chinitz Posted July 25, 2019 #5 Posted July 25, 2019 11 hours ago, jinz said: Sa totoo lang naisip ko itong topic na ito dahil sayo na bagong sali dito sa Stake saka sa pagiging newbie ko sa bago kong trabaho. Tapos last week ko pa dapat ito ipopost, ang kaso hanggang title pa lang ako non at kanina ko lang ito natapos gawan ng laman. 😂 Mahirap yung papasok ka sa lugar na magkakakilala na halos lahat, tapos wala kang kakilala. Pero marami namang friendly sa Stake Filipino chat, kapag naunlock mo na yung minimum wager ay makakausap mo rin sila doon. Baka kapag nasa chatroom na ko walang pumansin sakin. Nakakahiya naman yung mag feeling close. 1 hour ago, ceastem said: Kapag kasi kunyari ang aktibo sa chat ay mahilig lang manghingi, mas pinipili ko na na di na maging friendly. Haha Kakainis hingi ng hingi wala naman ako mabibigay. XD Hahahaha may ganun palang ganap sa chatroom? Ang kuripot naman po pala ni boss engineer (peace ✌✌) hahahaha
jinz Posted July 25, 2019 Author #6 Posted July 25, 2019 11 hours ago, ceastem said: Kapag kasi kunyari ang aktibo sa chat ay mahilig lang manghingi, mas pinipili ko na na di na maging friendly. Haha Kakainis hingi ng hingi wala naman ako mabibigay. XD Hindi naman lahat hahaha, kapag may ganito isumbong dapat sa mod. Ako walang maibibigay kaya walang nanghihingi eh, pati nga yung mga galing sa ulan dati tipid na tipid kong gamitin eh. 😂 10 hours ago, chinitz said: Baka kapag nasa chatroom na ko walang pumansin sakin. Nakakahiya naman yung mag feeling close. Hahaha hindi yan. Nagcclan ka nga dati so kaya mo rin makahanap ng bagong kaibigan sa PH chat ng Stake. 😁
mhysthy Posted July 26, 2019 #7 Posted July 26, 2019 Ayy oo ganyan na ganyan ako madalas pa .Hi ako ng Hi Hello ako ng Hello wala man lang pumapansin akala mo naman hihingian mo sila djk lang
yomzkie Posted July 29, 2019 #8 Posted July 29, 2019 Sa totoo lang karamihan friend ka lang kapag nagpaulan at natipan ka haha kapag down ka na di ka na kilala hahaha madali ako makifit in kasi yung iba kilala ko na sa ibang site, yung iba naman sa discord/stake ko nakilala at pd kaya di ako ganung ka ilang makipag usap at syempre socializiation skills na lang siguro kinakausap ko na.. di naman nangangain mga yan haha, malay mo ikaw lang din una nila hinihintay na pumansin bago sila walang masama kung susubukan
jinz Posted July 29, 2019 Author #9 Posted July 29, 2019 3 hours ago, yomzkie said: Sa totoo lang karamihan friend ka lang kapag nagpaulan at natipan ka haha kapag down ka na di ka na kilala hahaha Nakakalungkot namang basahin ito pero kadalasan ganito nga ang nangyayari. Buti na lang kahit wala akong binibigay madalas may mga naging friends pa rin ako. 3 hours ago, yomzkie said: at syempre socializiation skills na lang siguro Mahina ang socialization skills ko, gusto ko ako yung unang pinapansin hindi ako yung unang mamamansin hahahaha. 3 hours ago, yomzkie said: kinakausap ko na.. di naman nangangain mga yan haha, malay mo ikaw lang din una nila hinihintay na pumansin bago sila walang masama kung susubukan Tama tama. Karamihan naman sa PH chat kapag may bago winewelcome nila eh. Dalas dalasan lang siguro yung pagchachat dun magiging kaclose din sila.
kid01 Posted July 31, 2019 #10 Posted July 31, 2019 Ang laki na ng pinagbago ng forum stake. Pati pinoy community. Anyway hi po pala sa inyo. I just got back, last login and laro ko 2017 pa. haha hoping to gain friends here.
jinz Posted July 31, 2019 Author #12 Posted July 31, 2019 8 hours ago, kid01 said: Ang laki na ng pinagbago ng forum stake. Pati pinoy community. Anyway hi po pala sa inyo. I just got back, last login and laro ko 2017 pa. haha hoping to gain friends here. Hello kid! Welcome back sayo dito sa Stake. Sana mas makita pa kita dito sa Pinoy community sa forum 6 hours ago, DCYuma said: Chat lang hanggang may pumasin Yung iba kasi nadadown kapag hindi sila napapansin, ayun tuloy sa English na lang naglalagi. 😅 Pero tama ka rin, may papansin at papansin din sayo kapag lagi nilang nakikita ang username mo sa chat.
chinitz Posted July 31, 2019 #13 Posted July 31, 2019 On 7/29/2019 at 8:30 PM, jinz said: Mahina ang socialization skills ko, gusto ko ako yung unang pinapansin hindi ako yung unang mamamansin hahahaha. Hahahaha ikaw na ikaw jinz. Naalala ko tuloy noong highschool pa tayo. 😂😂😂 9 hours ago, kid01 said: Ang laki na ng pinagbago ng forum stake. Pati pinoy community. Anyway hi po pala sa inyo. I just got back, last login and laro ko 2017 pa. haha hoping to gain friends here. Hi kid! Welcome back po sa stake. 😊 Sana mag enjoy ka ulit sa pagstay dito, good luck sa mga games at paka active po. 😊
jinz Posted July 31, 2019 Author #14 Posted July 31, 2019 3 minutes ago, chinitz said: Hahahaha ikaw na ikaw jinz. Naalala ko tuloy noong highschool pa tayo. 😂😂😂 Alam mo yan kasi ikaw mismo nakita mo kung paano ako kapag may mga hindi kakilala. 😂 Pero medyo nagbago na ako ng very slight ngayon, minsan ako na yung nag-aapproach hahahaha.
chinitz Posted July 31, 2019 #15 Posted July 31, 2019 37 minutes ago, jinz said: Alam mo yan kasi ikaw mismo nakita mo kung paano ako kapag may mga hindi kakilala. 😂 Pero medyo nagbago na ako ng very slight ngayon, minsan ako na yung nag-aapproach hahahaha. oo jinz alam na alam ko talaga dahil hindi ko lang basta nakita naramdaman ko pa hahahha. Grabe tamad na tamad kang sumagot ng oo at hindi noo, tango at iling na nga lang ginagawa mo tapos kinatatamaran mo pa noon kaya titingin ako sayo para lang makita ko kung ano isasagot mo. Dinaan sa pagtaas ng kilay ang pagsagot hahahaha. Grabe halos matuyuan ako ng laway kapag ikaw katabi ko (ayy mali ako pala ang tumatabi sayo) hahahaha. Nagbago kana nga ng konte tapos nagiging B.I kana din hahahaha.
lenra609 Posted August 10, 2019 #16 Posted August 10, 2019 On 7/24/2019 at 8:33 PM, jinz said: Nabasa ko noong nakaraan sa English chat na mas lamang na raw ang dami ng mga Pinoy na manlalaro dito sa Stake kesa sa mga Ruso na dating pinakamaraming manlalaro according kay Eddie. Halos araw araw siguro ay may Pinoy na bagong salta sa Stake at kapag sila ay may kakayahan nang magchat ay nahihirapan silang makifit in o makisali sa usapan nang nakakarami lalo na at wala silang kakilala. Yung iba ay bago pero naimbitahan naman ng kaibigan o kakilala kaya madaling maging "belong". Ako mismo ay naranasan ko ang hirap na hindi makifit in noong nagsisimula pa lang ako dahil wala akong kakilala. Puro hi at hello lang ako madalas noon tapos ay hindi na nasusundan dahil walang pumapansin, ayoko naman na masabihang feeling close kaya pinapabayaan ko na lang hue hue hue. Sa English chat pa iyon kasi parang ghost town pa sa Filipino chat noon. Nasasalamin din siguro sa personalidad natin sa online kung paano tayo sa personal dahil sa totoo lang ay mahiyain ako at kailangan muna ng ilang panahon bago ako maging komportable sa kausap kaya siguro nahirapan akong makifit in sa chat noon. Tapos ayun din ang dahilan kaya hindi rin ako masyadong nakikipagchat sa mga bago ngayon. Yung ibang bagong manlalaro naman ay sobrang friendly kaya nakakasundo agad ang karamihan, special mention kay @lenra609 na sa pagkakatanda ko ay bigla na lang sumulpot sa chat (hindi ko alam kung may nag-invite) at naging kaclose ang halos lahat hahahaha at kay @yomzkie na napakafriendly, isa sa pinakamabilis kong nakaclose. May maipapayo ba kayo sa mga baguhan pa lang para makasabay sila sa usapan sa chat at maramdaman nilang hindi sila others? Hello Miss Jinz magandang umaga. Pasensya na at ngayun ko lang nabasa ito dahil matagal tagal din akong di nakapasyal sa forum. Maraming salamat sa napakagandang usapin na ito at nabanggit mo pa ako sa isa sa mga dating baguhan na maraming naging kaibigan sa stake. Ang ganang sa akin lamang mapa virtual o tutuong buhay man ang pagiging tutuong tao at pagbibigay ng respeto sa kahit kanino at hindi magiging basehan ang status ng buhay (ika nga bata, may edad, mahirap o mayaman man) ang pinaka susi ko upang magkaroon ng mga kaibigan. Mahirap man ako at pangit nagiging mayaman at gwapo naman ako sa pagkakaroon ng mga kaibigan na pwedeng utangan pag nagkakataluhan na (hahaha biro lang po tungkol sa utang) Marami na din ang mga baguhan na sobrang friendly at tutuong tao makitungo at saludo ako sa kanila. Muli maraming salamat Miss Jinz na hanggang ngayun ay andyan ang pagtulong at suporta mo sa akin upang mapalawig ko pa ang aking kaalaman sa paglalaro at pag gamit ng forum. Magandang araw sa iyo Miss Jinz.
yomzkie Posted August 10, 2019 #17 Posted August 10, 2019 On 7/31/2019 at 1:09 PM, kid01 said: Ang laki na ng pinagbago ng forum stake. Pati pinoy community. Anyway hi po pala sa inyo. I just got back, last login and laro ko 2017 pa. haha hoping to gain friends here. Masyado na kasing maraming pinoy ang naglalaro, naalala ko nung unang salta ko dito kakaunti pa lang ang nasa pinoy chat kada ulan may masasalo ka.. ngayon pahirapan na sa sobrang dami ng players add me up on stake,(di na kasi ko makadd haha) pwede mo ko maging friend
eldrindcm Posted August 10, 2019 #18 Posted August 10, 2019 Isa ako sa mga sinaunang tao dito sa Stake, August 4 ko ginawa yung account ko pero August 8 ang birthday ni Stake, hindi ko alam kung paano nangyari yun Wala din akong kakilala dito noon, hi hello lang din nasasabi ko tapos mga pa-feeling close (passive) para makakuha ng kahit konting pagtingin Hindi din ako pinapansin sa chat sa totoo lang, hanggang sa nagtagal, mas nakaka-chat ko sila sa English chatroom kaysa sa sariling atin, dedz ang Fil chat dati. Come 2018 medyo nabuhay na. Nung naging mod ako, doon lang din ata ako nakilala ng mga Pinoy. Good thing, very active na ang Pinoy chat ngayon
jinz Posted August 10, 2019 Author #19 Posted August 10, 2019 3 minutes ago, eldrindcm said: Nung naging mod ako, doon lang din ata ako nakilala ng mga Pinoy. Good thing, very active na ang Pinoy chat ngayon Oo nga. Nung naging Mod ka lang saka kita nakilala. Si Meng at si Xtine alam kong pinoy kasi pasulpot sulpot dati sa PH chat tapos ikaw parang naging active ka lang sa chat nung naging Mod ka.
chinitz Posted August 18, 2019 #20 Posted August 18, 2019 Hindi ko pa naranasan ang chatroom hahahaa. Kailan ko magagamit yun? Para naman makilala ko din yung iba at makiki feeling close. 😅😂
jinz Posted August 18, 2019 Author #21 Posted August 18, 2019 47 minutes ago, chinitz said: Hindi ko pa naranasan ang chatroom hahahaa. Kailan ko magagamit yun? Para naman makilala ko din yung iba at makiki feeling close. 😅😂 Kapag yung mga tinaya mo ay nagtotal ba ng at least $100 pwede ka nang magchat at magsend ng message sa Stake. Pero pwede mo naman makita yung mga pinag-uusapan nila doon sa chat.
Featured Comment
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.